13.2.12

Mabuti Nalang Walang Rizal Park sa Brunei - A Valentine Feature

Runnnn!!! Save yourself from firing squad!

Ang bilis ng araw, 'no? Akalain ba namang a-trese na pala ngayon. Ibig sabihin, isang araw nalang pala natira bago magdiwang ang (iilang parte lang naman ng) mundo sa pinakaaabangang Couple's Day


Ba't pa kasi nauso ang araw na'to? 

Tiyak, may iilan diyan ngayon nakapaghanda na ng iso'surpresang regalo para sa mga kabiyak nila. 




Ikaw? Anong klaseng paghahanda kaya ang naisipan mong gawin? 

Naku naman! Dapat alam mo na sa ngayon pa lang, baka kasi maubusan ka na ng ideya. Lagot ka sa partner mo niyan.

Eh, papaano naman kung wala kang partner? Ibig sabihin nun ala ka ding ka-holding hands, kakulitan, kayakapan at kalambingan pagsapit ng Valentine's Day


Hayaan mo na nga lang, isipin mo nalang di ka nag-iisa.

Naalala ko tuloy dati, nasa hayskul pa ako nun. Kapag sasapit kasi ang Araw ng mga Puso (Valentine's Day), parang ang daming nagmamadali. Parang noodles lang o kape. Palaging instant. A'onse pa lang, may ka'holding hands na. Iyong katabi ko nga sa klase, pagkakaalam ko, hiwalay na sila nung boypren niya month ago, ayun, parang mga lovebirds na naman sa may kanten. Eh, ako kaya? Kung sabagay, kahit na di ako masyadong affected sa katorseng petsa ng Pebrero na yan, may benepisyo din naman ako tuwing sasapit ito. Andami kayang nagpapagawa ng Valentine's Card and Love Notes. Tiba-tiba ako. May pambili na naman ako ng ulam at Marvel Comics


Bigla akong natauhan, kailangan ko na palang pumasok ulit sa trabaho.

Kanina nga pala habang pabalik na ako sa trabaho, nagkabiruan sila sa may Jeans Department. Nakita kong pumipili ng pulang necktie 'yung guard namin, ang sabi isusuot niya daw sa katorse. Tyempong napadaan ako, di ako nakawala sa kanila. Tinanong kaagad ako kung ready na ba daw ako for Valentine's Day. Sagot ko naman, "Kasama ako sa ipa'firing squad." Nagtawanan kami.

Firing Squad Execution, iyon kasi kadalasang panukso dati sa hayskul kapag wala kang partner. Kailangan mo lang daw magsuot ng pulang T'shirt. Makihanay sa park, katabi ni Dr. Jose Rizal




Di ba talaga ako apektado sa Valentine's Day fever na'to? Teka nga. Ilang Pebrero katorse na nga ba akong nag'iisa? 

Di ko na matandaan.

Mabuti nalang walang Rizal Park sa Brunei Darussalam. 


0 comments:

Post a Comment